Balang Araw

Lyrics
[Verse 1] Balang araw, ang liwanag, matatanaw ng bulag Ang kagandahan ng umaga, pagmamasdan sa tuwina [Chorus 1] Aleluya, aleluya Narito na'ng Manunubos Luwalhatiin ang Diyos [Verse 2] Balang araw, mumutawi sa bibig ng mga pipi Pasasalamat at papuri, awit ng luwalhati [Chorus 1] Aleluya, aleluya Narito na'ng Manunubos Luwalhatiin ang Diyos [Bridge] Balang araw, tatakbo ang pilay at ang lumpo Magsasayaw sa kagalakan Iindak sa katuwaan [Chorus 2] Aleluya, aleluya (Balang araw, ang liwanag, matatanaw ng bulag) Narito na'ng Manunubos (Ang kagandahan ng umaga) Luwalhatiin ang Diyos (Pagmamasdan sa tuwina) [Chorus 3] Aleluya, aleluya (Balang araw, mumutawi sa bibig ng mga pipi) Narito na'ng Manunubos (Pasasalamat at papuri) Luwalhatiin (Luwalhatiin), luwalhatiin (Luwalhatiin) [Outro] Luwalhatiin ang Diyos
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Fr. Manoling Francisco SJ
- Fr. Junjun Borres SJ