Ang Aking Pasko

Lyrics
[Verse 1] Pagkalembang ng batingaw Aking puso'y napapahiyaw Lumulukso sa pagdating ng ginaw Na dala ng nagsisimulang araw [Chorus 1] Magsisimbang-gabi na naman ako kasama mo Maririnig ko nang muli ang tinig mong inaawit Ang himig ng Pasko [Verse 2] Sa simula ng pagdarasal ko Ngalan mo'y agad sa puso ko Sana nama'y idulot N'yang mabago ko Ang mundong iaalay ko sa 'yo [Chorus 2] Sa araw ng Pasko, magsisimba ako kasama mo At doon ko iaabot ang anumang nabago ko Kasama 'tong aking inaawit [Chorus 3] Ipamamalas ko ang pag-ibig na nadarama sa'yo Katulad ng pagmamahal na sanhi ng pagdiriwang Nitong ating Pasko, o giliw ko [Outro] At sa araw na ito alalahanin mong handang-handa ako Maging kapiling mo Kahit matapos na itong Pasko
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Jandi Arboleda