Ritual

Lyrics
[Verse 1] Sinong mas malumanay sa kogong kumakaway? Sinong mas dalisay sa hamog sa himaymay? Sinong mas malambing sa mapaglarong hangin? Sinong mas maningning sa buwan at bituin? [Chorus] Abang Maria, Mahal naming ina Ang landas tungo kay Hesukristo Buong tiwala kanyang winika "Maganap nawa ang 'Yong salita" [Verse 2] Sinong magpapayapa sa bagyong nananakot? Sinong magpapasigla sa damong sumukot? Sinong takbuhan ng mga dukha? Sinong tanggulan ng mahihina? [Chorus] Abang Maria, Mahal naming ina Ang landas tungo kay Hesukristo Buong tiwala kanyang winika "Maganap nawa ang 'Yong salita" [Post-Chorus] Sinong dakilang lingkod ng Amang Utos? Santa Maria, ina ng Diyos [Verse 3] Sino ang reyna ng langit at lupa? Sinong nag-aaruga sa lahat ng nilikha? [Chorus] Abang Maria, Mahal naming ina Ang landas tungo kay Hesukristo Buong tiwala kanyang winika "Maganap nawa ang 'Yong salita" [Post-Chorus] Sinong dakilang lingkod ng Amang Utos? Santa Maria, ina ng Diyos
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Fr. Manoling Francisco SJ