Mahal Ko O Mahal Ako

Lyrics
[Verse 1] Dalawa kayo sa buhay ko at ako ngayon Ay kailangan nang mamili, isa lang ang maaari Alam mong narito ako, lagi para sa iyo Oh, mahal kita ng labis, ngunit iba ang 'yong nais At siya'y narito alay sa'ki'y wagas na pag-ibig (Pag-ibig) Nalilito, litong-litong-lito [Chorus] Sino ang iibigin ko? Ikaw ba na pangarap ko o siya bang kumakatok sa puso ko? Oh, anong paiiralin ko? Isip ba o ang puso ko? Nalilito, litong-litong-lito Sinong pipiliin ko? Mahal ko o mahal ako? [Verse 2] Kahit 'di ako ang mahal mo, kung mananatili ako sa'yo Ay baka matutunan mo rin na ako'y iyong ibigin At kung sadyang siya'y tapat, baka sakaling pagdaan ng araw Matutunan ko rin ang ibigin siya [Chorus] Sino ang iibigin ko? Ikaw ba na pangarap ko o siya bang kumakatok sa puso ko? Oh, anong paiiralin ko? Isip ba o ang puso ko? Nalilito, litong-litong-lito Sinong pipiliin ko? [Bridge] Ang nais ko ay maranasan ang umibig At masuklian din ng pag-ibig [Chorus] Sino ang iibigin ko? Ikaw ba na pangarap ko o siya ba? (O siya ba?) Oh, anong paiiralin ko? Isip ba o ang puso ko? (Isip ba o ang puso ko?) Nalilito, litong-litong-lito, litong-litong-lito Sinong pipiliin ko? Mahal ko o mahal ako?
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Edwin Marollano