Ang Kulay Ng Pasko

Fr. Raul G. Caga, SVD - Pop, Philippines
Ang Kulay Ng Pasko
0 Plays
Duration: 2:59
Lyrics
[Verse 1] Kay gandang pagmasdan ang kapaligiran Dahil sa taglay na kulay ng Pasko May kulay ba ang Pasko, pula, puti ba o ginto? O kahit ano, may kulay ba ang Pasko? [Pre-Chorus] Subalit pawang mali, mga kulay na nabanggit Hindi mo ba batid ang kulay ng pag-ibig [Chorus] Ang kulay ng Pasko 'di mo makikita kailanman Ito'y nararamdaman kung tayo'y nagmamahalan Ang kulay ng Pasko kung nais mong masdan Matatagpuan lamang sa abang sabsaban [Verse 2] Mga parol at Christmas tree, bagong sapatos at damit Kulay nila'y kay ganda, subalit kulang pa At kahit na punong-puno ang medyas ni Santa Klaus Hindi pa rin ganap ang nadaramang galak [Pre-Chorus] Mga batang nagkakaroling, awit nila ay iyong dinggin Nagsasabing kulay 'di sapat kung puso sa pag-ibig ay salat [Chorus] Ang kulay ng Pasko, 'di mo makikita kailanman Ito'y nararamdaman kung tayo'y nagmamahalan Ang kulay ng Pasko kung nais mong masdan Matatagpuan lamang sa abang sabsaban Ang kulay ng Pasko, kung nais mong masdan Nagliliwanag at kay tingkad Nagniningning, o kay ganda Matatagpuan lamang sa abang sabsaban
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Fr. Geronimo Perez