Lunod

Lyrics
[Verse 1: Ben&Ben] Nalulunod sa pangangamba Puno na ang baga, pasuko ka na Sa'n ka kakapit kung malalim na? Ang sabi ay "Arte lang 'yan" (Woah-oh-oh-oh) [Verse 2: juan karlos] Nalulunod sa pangangamba 'Di mo alam kung may pangtustos pa Nagkaubusan na ng pang-medisina Ang sabi'y "Bahala ka na" [Chorus: Ben&Ben, juan karlos] Ang pagkakalunod ay nararanasan mo na ba? Sana'y makaahon ka, pagka't kailangan ka nila [Verse 3: Zild] Nalulunod sa pangangamba Mga parusang 'di humuhupa Sa'n ka kakapit kung malalim na? Ang sabi'y, "Mababaw lang 'yan" [Chorus: Ben&Ben, Zild, juan karlos] Ang pagkakalunod (Pagkakalunod) Ay nararanasan ng iba (Nararanasan ng iba) Sana'y makaahon ka, pagka't kailangan ka nila [Outro: juan karlos, Zild, Ben&Ben] Nalulunod sa pangangamba Dahan-dahan, ako'y lalangoy na Sisisirin hanggang makarating ka Sa ginhawang itinadhana Sa ginhawang itinadhana 'Di na muling malulunod pa
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Miguel Benjamin
- Paolo Benjamin