Dahilan

Lyrics
[Verse 1] Panahon May mga sikretong binubulong Kung lumipas na ba Takdang oras na nakalaan [Verse 2] Sa atin At parang ihip lang ng hangin Tayo'y lilisan din At kailanma'y di maiintindihan [Chorus] Bakit pilit inaagaw Ng tadhana ang bukas na tinatanaw Kung ang buhay ay byaheng balikan Bakit papunta pa lang ito'y tutuldukan Ano kayang dahilan? [Verse 3] Panahon Kay bilis lang minsan na di natin Namamalayang nasayang Oras natin sa paghihintay [Verse 4] Sa magpakailanman At kapag ating naintindihan Huli na ang lahat Kaya't sulitin ang bawat pagkakataon [Chorus] Kahit pilit aagawin Ng tadhana ang landas na tatahakin Wag kang matakot Mundo ay umiikot Anumang kalabasan ng kinabukasan Lahat ng bagay may dahilan [Bridge] Awitin natin, sa mga bituin Na ang kalangitan ay magpahiwatig sa atin Ng liwanag, kanyang kaalaman Na ang lahat ng bagay ay may dahilan [Outro] Lahat ng bagay may (Lahat ng bagay) Lahat ng bagay may (Lahat ng bagay) Lahat ng bagay may Dahilan
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Ben&Ben