Sa Aking Tabi

Lyrics
[Verse 1] Kahit na hindi ko man sabihin Alam kong naririnig mo ang aking damdamin Maingay ang mundo ko Ang tanging alam ko lang ay pagdating sa'yo, payapa ako Kahit na hindi ko pinapakita (Ah) Madilim ang daanan patungo sa'king mga mata Lumiliwanag ang buwan kapag ikaw ang aking kasama Pwede bang [Chorus] Dito ka muna sa'king tabi? Kapag ang pag-iisip, 'di mapakali Ang tanging hiling ko sa langit, sana'y dinggin Huwag kang mawawala sa'king tabi At sasamahan din kita habang buhay [Verse 2] Madalas akong magulong kausap pero ngayon (Pero ngayon) Sigurado ako ang pagtibok ng puso ko, kasabay ang sa'yo Nakakahiya na, kakahibang 'di masabi sa iyo Kapag nakatitig ka, para akong tanga [Chorus] Dito ka muna sa'king tabi Kahit ang pag-iisip, 'di mapakali Ang tanging hiling ko sa langit, sana'y dinggin Huwag kang mawawala sa'king tabi [Bridge] At kamay ng oras, kailanma'y hindi hinawakan ang akin Buti na lang, and'yan na ang sa'yo At hinding-hindi ako bibitaw kung 'di ka ikaw makakasama Ako'y maghihintay habang buhay [Chorus] Pwede ba dito ka muna sa aking tabi? Dahil ang pag-iisip, 'di mapakali Ang hiling sa langit, sana'y dinggin Huwag kang mawawala sa'king tabi Oh, dito ka lang habang buhay [Outro] Habang buhay Sa aking tabi
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Maki