Marlboro Black

Album cover art for "Marlboro Black" by Because

Because - R&B, Philippines

Marlboro Black

322K Plays

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Intro] "Masama ka sa'kin, masaya ako sa'yo Kaya bakit pa natin ipagpipilitan ang hindi pwede?" Sambit mo sa'kin pagtapos mong hithitin ang dulo ng 'yong sigarilyo Magkahawak ang kamay, ngunit 'di mahigpit At nag-aantay na lang na isa sa'tin ang bumitaw Kapalaran na siguro nating masaktan "Masaya ka sa'kin, masama ako sa'yo" Ngunit ubos na ang lahat, upos na lang ang natira [Verse 1] Tatlong araw na tayong 'di nag-uusap Ni isa sa atin dalawa'y 'lang balak makiusap Alam nating pareho tayong nagkulang At ang tayo'y 'la na ring patutunguhan Ngayon bakit nga ba tayo nagkita? Nakalimutan na't tila Balak nating mag-ayos, ang lalo sa'ting nagpasira 'Di ba sabi mo noon, kung tayong dalawa'y maghiwalay Ay magkikita rin sa tamang panahon Ngayon aking napaisip, papano kung gano'n Kung tayong nga talagang dalawa'y bakit pa tayo dapat maghiwalay ngayon Kung gano'n magbiro ang tadhana ay dapat, alam niyang 'la kong oras makipagbiruan ngayon 'Wag mo na kong kulitin pa 'Wag ka na ring sumagot kung sakaling kulitin ka Kung magkasalubong 'wag na natin pansinin Ang isa't isa pagkalito'y 'wag nang kunsintihin pa [Chorus] Dahil hindi ko kayang maging kung sinong gusto mo, oh Ibigay kung anong gusto mo, oh Ibigay anong nararapat sa'yo, mahal kita, pero tama na Dahil hindi ko kayang maging kung sinong gusto mo, oh Ibigay kung anong gusto mo, oh Ibigay anong nararapat sa'yo, mahal kita, pero tama na [Verse 2] 'Wag nang pilitin kahit pwede Isipin ang sarili't 'wag na sa'tin dumepende Mas mahina na nga tayo sa sakiting nagka-dengue 'La tayong magagamot kung pareho tayong pasyente Hindi mo 'ko kailangan, at gano'n ka rin sa'kin Libro ng istorya nating dalawa'y sa simula lang kaaya-ayang basahain Sumaya na tayo dati, limot natin ang pasanin Talagang dapat mong asahan ang 'di mo aakalain Ba't ba tayo naniwala? Pagmamahalan natin dati pa'y 'di alintana Ngayon dapat na limutin na ang ating alaala Kaylangan na magbura para matuto tayo Lalo parang sulat sa pisara, 'wag mo na 'kong tanungin pa Masasaktan ka pa rin kahit aking saluhin ka Panandaliang marka lang 'to sa'tin parang henna Pansamantalang pagmamahal, 'di dapat ikadena [Chorus] Dahil hindi ko kayang maging kung sinong gusto mo, oh Ibigay kung anong gusto mo, oh Ibigay anong nararapat sa'yo, mahal kita, pero tama na Dahil hindi ko kayang maging kung sinong gusto mo, oh Ibigay kung anong gusto mo, oh Ibigay anong nararapat sa'yo, mahal kita, pero tama na

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Because