Salamin ng Buhay

Lyrics
[Verse 1] Sabay sa ikot ng mundo Patungo sa walang hanggan Ay sarisaring pagtakbo Nang buhay ng sino pa man Ang kapalaran mo'y sa 'yo Ang sa kanya'y kanya naman Ang salamin ng buhay mo Ibang liwanag ang laman [Chorus] Ang buhay mo'y yugto-yugto May panahong sakdal saya Minsan nama'y namumugto Sa pagluha ang iyong mata Kahit paglakad mo'y wasto May papatid sa 'yong paa Minsan kahit nakahinto Biyaya ay sumasamba [Verse 2] Sa 'yong anyo sa salamin Mayroon silang tatandaan Mag-isip ka at alamin Kung naligaw ka ng daan [Chorus] Bago tuluyang mawala Aninag mo sa salamin Matitiyak mo ba kaya Ang 'yong mukha ay napansin? Dahil sa ukit na gawa Na taimtim at totoo Minsan ma'y 'di ka sumama Sa salamin ng buhay mo Bago tuluyang mawala Aninag mo sa salamin Matitiyak mo ba kaya Ang 'yong mukha ay napansin? Dahil sa buting nagawa Na taimtim at totoo Minsan ma'y 'di ka sumama Sa salamin ng buhay mo [Outro] Wala kang taong nabangga Sa salamin ng buhay mo
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- George Canseco