Paraisong Parisukat

Lyrics
[Verse 1] Narito ka't tumatangis Sa 'yong munting paraiso Pagmasdan mo'ng paligid nito Inaamag, inaagiw [Verse 2] Heto ako't sumasamo Dinggin ang aking pagsuyo 'Sanlibo't isang paraiso Inaalay ko sa 'yo [Chorus] Tayo na giliw sa malawak na kalikasan At salubungin ang bukang-liwayway Madarama mo ang pagsabog ng liwanag Mahahawakan mong bahaghari at ang sinag Sa tuwina'y mamahalin ka [Verse 3] Giliw, dalangin ko'y iwan mo na Ang 'yong paraisong parisukat 'Sanlibo't isang paraiso Inaalay ko sa iyo, giliw [Verse 2] (Heto ako't sumasamo) (Dingin ang aking pagsuyo) ('Sanlibo't isang paraiso) (Inaalay ko sa 'yo) [Chorus] Dalangin ko'y iwan mo na Ang iyong paraisong parisukat 'Sanlibo't isang paraiso'y inaalay ko sa iyo Habang nabubuhay ako Paraisong ito'y handog ko sa iyo lamang, giliw
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Ryan Cayabyab