Minsan Pa Nating Hagkan Ang Nakaraan

Lyrics
[Verse 1] Minsan pa nating hagkan ang ating nakaraan At ang kahapong saya'y bigyang-daan Mapananariwa pa nating muli Ang pag-ibig kahit na ngayo'y mali [Verse 2] Minsan pa nating buksan nakapinid nang pinto Muli kong hahaplusin ang 'yong puso At subukan natin kung may nanabik Na pagmamahal kahit man lang kaunti [Chorus] Nababatid kong kasalanan muli nating pagmamahalan Subalit 'di ko magawang limutin ka Sasabihin kong ako ang siyang nagkasala Mahal kita, mahal kita [Verse 3] Minsan pa nating hagkan ang ating nakaraan Buhay man ang kapalit, ako'y laan Dahil ang pag-ibig ko'y 'di mamamatay Sa mundong ito'y wala pang papantay [Chorus] Nababatid kong kasalanan muli nating pagmamahalan Subalit 'di ko magawang limutin ka Sasabihin kong ako ang siyang nagkasala Mahal kita, mahal kita [Verse 4] Minsan pa nating hagkan ang ating nakaraan Buhay man ang kapalit, ako'y laan Ang pag-ibig ko'y buhay kailanpaman At maghihintay sa 'yo kahit saan [Outro] Minsan pa nating hagkan ang nakaraan
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- George Canseco