Madaling Araw

Lyrics
[Verse 1] Irog ko'y dinggin ang tibok ng puso Sana'y damdamin hirap nang sumuyo Manong, itunghay ang matang mapungay Na siyang tanging ilaw ng buhay kong papanaw [Verse 2] Sa gitna ng karimlan, magmadaling-araw ka At ako ay lawitan ng habag at pagsinta Kung ako'y mamamatay sa lungkot niyaring buhay Lumapit ka lang, lumapit ka lang, at mabubuhay [Verse 3] At kung magkagayon mutya, mapalad na ang buhay ko Magdaranas ako ng tuwa ng dahil sa iyo Madaling-araw ka sinta, liwanag ko't tanglaw Halina irog ko at mahalin mo ako [Verse 4] Mutya'y mapalad na ang buhay ko Ng dahilan sa ganda mo Liwayway ng puso ko't tanglaw Halina irog ko at mahalin mo ako [Outro] Manungaw ka, liyag Ilaw ko't pangarap At madaling-araw na
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Francisco Santiago
- José Corazón de Jesús