Canseco Medley

Album cover art for "Canseco Medley" by Basil Valdez

Basil Valdez - Pop, Philippines

Canseco Medley

0 Plays

Duration: 6:18

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Part I: Hanggang Sa Dulo Ng Walang Hanggan] [Verse 1] Hanggang sa dulo ng walang hanggan Hanggang matapos ang kailan pa man Ikaw ang siyang mamahalin at lagi nang sasambahin Manalig kang 'di ka na luluha, giliw [Chorus] At kung sadyang siya lang ang 'yong mahal Asahan mong ako'y 'di hahadlang Habang ikaw ay maligaya ako'y maghihintay Maging hanggang sa dulo ng walang hanggan [Part II: Kastilyong Buhangin] [Chorus] Kaya't bago natin bigkasin ang pagsintang sumpa Sa minumutya, sa diwa't gawa Pakaisipin natin kung pag-ibig ay wagas Kahit pa magsanga ng landas [Verse 2] Minsan, dalawang puso'y nagsumpaan Pag-ibig na walang hanggan Sumpang kastilyong buhangin pala Pansamantala, luha ang dala 'Yan ang pag-ibig na nangyari sa atin Gumuhong kastilyong buhangin [Part III: Ngayon at Kailanman] [Verse 3] Ngayon at kailanman Sumpa ko'y iibigin ka Ngayon at kailanman Hindi ka na mag-iisa Ngayon at kailanman Sa hirap o ginhawa pa Asahang may kasama ka, sinta [Bridge] Naroroon ako t'wina Maaasahan mo t'wina Ngayon at kailanman [Verse 4] Dahil kaya sa 'yo Ng maitadhanang ako'y isilang sa mundo Upang sa araw-araw ay siyang makapiling mo Upang ngayon at kailanman Ikaw ay mapalingkuran, hirang [Bridge] Bakit labis kitang mahal? Pangalawa sa Maykapal Higit sa 'king buhay [Chorus] Sa bawat araw ang pag-ibig ko sa 'yo, liyag Lalong tumatamis, tumitingkad Bawat kahapon ay daig nitong bawat ngayon Na daig ng bawat bukas Sa bawat araw ang pag-ibig ko sa 'yo, liyag Lalong tumatamis, tumitingkad (Oh, tumitingkad) Bawat kahapon ay daig nitong bawat ngayon Na daig ng bawat bukas [Outro] Labis kitang mahal (Ngayon at kailanman) Tangi sa Maykapal (Ngayon at kailanman) Labis kitang mahal (Ngayon at kailanman) Ngayon (Ngayon at kailanman) At kailanman (Ngayon at kailanman) Ngayon at kailanman

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • George Canseco