Ang Pangako Mo

Lyrics
[Verse 1] Ang huni ng ibon sa himpapawid Ang ihip ng hangin sa gabing malamig Mga lirio sa parang kay ganda ng damit Nagpapakilala ng Iyong pagibig [Verse 2] Sa tuwing nalulungkot at may suliranin Sa pagluhod sa 'Yo at sa pagdalangin Nasusumpungan ko sa aking damdamin Tunay na Ikaw ay Amang mahabagin [Chorus] Ang pangako Mo ang panghahawakan Na ako'y hindi Mo pababayaan Kung Ika'y wala ay wala ring saysay 'Di na nais pang sa mundo'y mabuhay [Post-Chorus] Kaya ako ngayo'y nagpapasalamat Dahil sa pagibig at Iyong paglingap Tinawag Mo ako dahil sa 'Yong habag Puso ngayo'y nagagalak Ama salamat [Chorus] Ang pangako Mo ang panghahawakan Na ako'y hindi Mo pababayaan Kung Ika'y wala ay wala ring saysay Di na nais pang sa mundo'y mabuhay [Post-Chorus] Kaya ako ngayo'y nagpapasalamat Dahil sa pagibig at Iyong paglingap Tinawag Mo ako dahil sa 'Yong habag Puso ngayo'y nagagalak Ama salamat [Outro] Salamat
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Daniel Razon