Tama Ba O May Tama Na

Lyrics
[Verse 1] Bakit ba kay bilis ng puso at isip na mahulog sa'yo? 'Di naman dating ganito Oras ay humihinto Tuwing nandito ka sa tabi ko [Pre-Chorus] Nawawala na ba ako sa sarili? Paano bang nabuhay nung wala ka dati? [Chorus] Pwede ba kitang mahalin Kailanman Kahit takot na masaktan Isa-isang haharapin ang lahat Pag-ibig ay 'paglalaban Hindi ko makakayang sa'yo ay lumayo Tama ba ito O may na ba ako? [Verse 2] Hindi akalaing ganito Kung maglihim ang puso Hanggang mayro'ng nagbukas ng pinto Ang lahat ng aking alam, kinandado sa mundo Ngunit susi pala ay hawak mo [Pre-Chorus] Nawawala na ba ako sa sarili? Nagbago na't hindi na babalik sa dati [Chorus] Pwede ba kitang mahalin Kailanman Kahit takot na masaktan Isa-isang haharapin ang lahat Pag-ibig ay 'paglalaban [Bridge] Ngayong bukas na ang puso Alam mo na ang sikreto Ako kaya'y ibigin mo [Chorus] Pwede ba kitang mahalin Kailanman Kahit takot na masaktan Isa-isang haharapin ang lahat Pag-ibig ay 'paglalaban Hindi ko makakayang sa'yo ay lumayo Tama ba ito O may na ba ako?
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Ann Figueroa