Walang Hanggan

Lyrics
[Verse 1] Nangangamba ang puso mo, kay hirap ng magtiwala Kung mahal mo ay bigla na lang mawawala Nandito ang damdamin ko, inaalay sa iyo Ikaw lang ang nais na makapiling ko [Chorus] 'Pagkat ako sa 'yo'y nagmamahal, damdamin mo'y aking iingatan Kahit na anong mangyari, 'di kita iiwanan Asahan mong pag-ibig ko'y hanggang sa dulo ng walang hanggan [Verse 2] Ilang ulit na nga ba lumuha ang iyong mata? Tamis ng pagsasama ay naglaho na Pagmamahal ko sa 'yo, handang ipaglaban ko Kahit anong hadlang ay kakayanin ko [Chorus] 'Pagkat ako sa 'yo'y nagmamahal, damdamin mo'y aking iingatan Kahit na anong mangyari, 'di kita iiwanan Asahan mong pag-ibig ko'y hanggang sa dulo ng walang hanggan [Bridge] Kung mararapatin mo, ipinapangako ko Pagsuyo kailanma'y hindi magbabago [Chorus] 'Pagkat ako sa 'yo'y nagmamahal, damdaming mo'y aking iingatan Kahit na anong mangyari, 'di kita iiwanan Asahan mong pag-ibig ko'y hanggang sa dulo ng walang hanggan 'Pagkat ako sa 'yo'y nagmamahal, damdamin mo'y aking iingatan Kahit na anong mangyari, 'di kita iiwanan Asahan mong pag-ibig ko'y hanggang sa dulo ng walang hanggan [Outro] Asahan mong pag-ibig ko'y hanggang sa dulo ng walang hanggan
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- April Boy Regino