Tama Na

Lyrics
[Verse 1] Ako ang araw, ikaw ang buwan Pag-ibig nati'y walang hanggan Ito ang tula ng pusong makata Sambit ng mga labi sa simula [Pre-Chorus] Ika'y iibigin, laging pipiliin Ikaw lang ang nais makapiling Ito ang pangako ngunit napako 'Di ko alam bakit dito dumako [Chorus] Isuko mo na ang laban Dahil 'di na ako 'yong kailangan Itago mo sa isipan alaala ng ating pagmamahalan Paulit-ulit kumakapit 'di mapilit Tama na Tama na [Verse 2] Akala ko noon ay para sa 'kin ka Ngunit bakit ngayon tayo'y malabo na Ito ang tugon ng pusong napagod Mahal kita pero paalam na sa'yo [Pre-Chorus] Ika'y iibigin, laging pipiliin Ikaw lang ang nais makapiling Ito ang pangako ngunit napako 'Di ko alam bakit dito dumako [Chorus] Isuko mo na ang laban Dahil 'di na ako ang 'yong kailangan Itago mo sa isipan alaala ng ating pagmamahalan Paulit-ulit kumakapit 'di mapilit Tama na [Bridge] 'Di makatingin, ang hirap sabihin Tulungan mo akong ika'y palayain [Chorus] Isuko mo na ang laban Dahil 'di na ako ang 'yong kailangan Itago mo sa isipan alaala ng ating pagmamahalan Paulit-ulit kumakapit 'di mapilit Paulit-ulit kumakapit 'di mapilit Paulit-ulit kumakapit 'di mapilit Tama na Tama na
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Anthony Rosaldo