Gaano Kadalas ang Minsan

Basil Valdez - Pop, Pinoy Ballad
Gaano Kadalas ang Minsan
11.2K Plays
Duration: 4:05
Lyrics
[Verse 1] Gaano kadalas ang minsan lang ka mahagkan? 'Sing dalas na rin ng dami ng bituin, waring walang hanggan Dahil sa labi ko'y laging mararamdaman Kahit sandali, halik mo'y dumampi minsan [Verse 2] Gaano kadalas ang makapiling kang minsan? Sa 'kin 'sing dalas ng walang wakas, saglit mang magpisan Dahil sa ganoong paraan lang mag-iisa Kung magsasanib ang dalawang dibdib, 'di ba? [Chorus] Ngunit kung pag-ibig ay hindi rin lang wagas Mabuti pa, mabuti nga, mabuti ang hanggang maaga'y magwakas Pagkukunwari'y itago man ay lalabas At minsan kang matuklasan, hapdi'y walang kasing dalas [Verse 3] Gaano kadalas ang minsan mo akong saktan? Kahit minsan lang, sa aki'y para bang walang katapusan Gaano kadalas ba ang puso'y namamatay? Gaano kadalas, gaano kadalas ang minsan? [Chorus] Dahil ang pag-ibig kung hindi rin lang wagas Mabuti pa, mabuti nga, mabuti ang hanggang maaga'y magwakas Pagkukunwari'y itago man ay lalabas At minsan kang matuklasan, hapdi'y walang kasing dalas [Verse 3] Gaano kadalas ang minsan mo akong saktan? Kahit minsan lang, sa aki'y para bang walang katapusan Gaano kadalas ba ang puso'y namamatay? Gaano kadalas, gaano kadalas ang minsan? [Outro] Gaano kadalas, gaano kadalas ang minsan?
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- George Canseco