Humanap Ka Ng Panget!

Lyrics
[Intro] Ayy, nako, ayan kasi ano Ang hihilig kasi sa magagandang lalaki Ang hilig sa magandang babae O anong napala niyo, eh 'di wala Kaya kung ako sa inyo Makinig na lang kayo sa sasabihin ko Humanahap ka ng pangit at ibigin mong tunay 'Yan ang dapat mong gawin, kaya makinig ka sa'kin And it goes a little something like this [Verse 1] Kung gusto mong lumigaya ang iyong buhay Humanap ka ng pangit at ibigin mong tunay Isang pangit na talagang 'di mo matanggap At 'wag ang lalaki na iyong pangarap Ngunit kung bakit ko sinabi 'to'y simple lang 'Pagkat magagandang lalake ay naglalaro lang Ng 'yong oras, pagod, hirap, at salapi Ngunit handang-handang iwanan ka naman sa sandali Na ikaw ay wala nang ibigay, 'di ba? [Pre-Chorus] Kaya't pangit na lalaki ang hanapin mo, 'day Kung hindi, sige ka, puso mo'y mabibiyak Mawalay man ang pangit, hindi ka iiyak [Chorus] Humanap ka ng pangit ('Wag na, oy) Humanap ka ng pangit ('Wag na, oy) Humanap ka ng pangit ('Wag na, oy) Ibigin mong tunay Humanap ka ng pangit ('Wag na, oy) Humanap ka ng pangit ('Wag na, oy) Humanap ka ng pangit ('Wag na, oy) Ibigin mong tunay [Verse 2] Isang pangit na babae na mayro'ng pagtingin Mangaliwa ka man, ah, sige lang, and'yan pa rin 'Pagkat ikaw talaga ang kaniyang pag-aari Pag-isipan kang iwanan hindi na maaari At kung malingat ka man huwag mag-alala Sigurado ka naman walang makikipagkilala Kung kasama mo siya 'di bale na katakutan, okay lang Kung ikaw nama'y paglilingkuran [Pre-Chorus] Kaya't para lumigaya ang iyong buhay Humanap ka ng pangit at ibigin mong tunay At kung hindi, sige ka puso mo'y mabibiyak Mahiwalay man ang pangit, hindi ka iiyak, 'di ba? [Chorus] Humanap ka ng pangit ('Wag na, oy) Humanap ka ng pangit ('Wag na, oy) Humanap ka ng pangit ('Wag na, oy) Ibigin mong tunay Humanap ka ng pangit ('Wag na, oy) Humanap ka ng pangit ('Wag na, oy) Humanap ka ng pangit ('Wag na, oy) Ibigin mong tunay [Verse 3] Sasabihin ko sa inyo kung ano'ng nangyari Nang may na-date akong isang pangit na babae Manliligaw daw niya ay talagang ang dami Ngunit nang siya'y nakita ko, mukha siyang lalaki At sa'kin ay matatawa ka talaga 'Pagkat kahawig na kahawig niya si Zoraida Maniwala ka't ako'y napa-ibig niya, bakit? (Eh kasi ang bait-bait niya) Lahat ng aking hilingin, 'di tumatanggi Palagi siyang nakahalik sa aking pisngi, ako'y shock (Ahh) Araw-araw na tuwing kasama ko siya, gusto kong sumigaw Gusto kong iwanan siya ngunit ako'y nag-isip Ito ba'y totoo o isang panaginip? 'Di siya maganda ngunit ako'y kaniyang hari (Iyan ba'ng dahilan kaya't kasama mo palagi?) Sabihin man nila na ako'y mangmang Para sa akin, kagandahan ay hanggang balat lamang At sa inyo, mayro'n akong ibubulong "Second anniversary na namin 'to, tsong" [Pre-Chorus] Kaya't para lumigaya ang iyong buhay Humanap ka ng pangit at ibigin mong tunay At kung hindi, sige ka puso mo'y mabibiyak Mahiwalay man ang pangit, hindi ka iiyak, 'di ba? [Chorus] Humanap ka ng pangit (Sige na nga) Humanap ka ng pangit (Sige na nga) Humanap ka ng pangit (Sige na nga) Ibigin mong tunay Humanap ka ng pangit (Sige na nga) Humanap ka ng pangit (Sige na nga) Humanap ka ng pangit (Sige na nga) Ibigin mong tunay [Outro] So, you better watch out, you better not cry You better not pout, I'm telling you why Humanap ka ng pangit at ibigin mong tunay 'Cause the girls and the guys did tell you all lies You have to find out who's naughty, who's nice Humanap ka ng pangit at ibigin mong tunay Break it down
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Andrew E.