Tahimik Na Buhay Kapiling Ka

Amiel Sol - Pop, Singer-Songwriter
Tahimik Na Buhay Kapiling Ka
1 Plays
Duration: 1:28
Lyrics
[Verse 1] Pagbukas ng pinto Nakaabang ang bisig ko Para sa 'yo, alam ko Na napagod ka sa araw mo [Verse 2] Kwentuhan mo ako Habang tayo'y naghuhugas ng plato Ako eto ang araw ko Buong araw nakaabang sa 'yo Sa pag-uwi mo [Chorus] Pangarap ko ang Tahimik na buhay kapiling ka Dumating sa 'ting tahanang Munti man, kay sarap uwian Bukas makalawa Matutupad ating hiling, hmm [Verse 3] Pagdilat sa umaga Ikaw agad ang unang nakikita Gumaganda agad ang araw Dahil ikaw ang aking tinatanaw Minamahal ko [Chorus] Pangarap ko ang Tahimik na buhay kapiling ka Dumating sa 'ting tahanang Munti man, kay sarap uwian Bukas makalawa Matutupad ating hiling [Interlude] [Outro] Pangarap ko ang pag-ibig Buong buhay kasama ka
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Amiel Sol