Sa Isip Ko

Lyrics
[Verse 1] Alam kong meron ng iba Sa kilos mo'y nadarama Mukhang ako ay kinalimutan mo na Wala nang masasabi, 'di ba? Kapit mo kay lamig na Pati halik mo'y wala nang gana Maagaw ka man ng iba sa akin Pag-ibig ko'y patuloy pa rin [Chorus] Sa isip ko'y yakap ka pa Sa isip ko'y walang iba Mananatiling ikaw ang kapiling Kahit sa isip ko lang lamang [Verse 2] Alam kong meron nang iba Ang init ay nanglamig na Ba't 'di aminin ang 'di malilihim Ikaw at ako'y tapos na Bawat hakbang palayo ka Walang linaw na babalik pa Maagaw ka man ng iba sa akin Pag-ibig ko'y patuloy pa rin [Chorus] Sa isip ko'y yakap ka pa Sa isip ko'y walang iba Mananatiling ikaw ang kapiling Kahit sa isip ko lang lamang [Guitar Solo] [Outro] Mananatiling ikaw ang kapiling Kahit sa isip ko lang lamang Ooh, ooh-ooh-ooh
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...