Sa ’Yong Pagbabalik

Album cover art for "Sa ’Yong Pagbabalik" by KDR Music House & TNK Season 1

KDR Music House & TNK Season 1 - Pop

Sa ’Yong Pagbabalik

0 Plays

Duration: 3:19

View Album

Lyrics

Language:

[Intro] Maranatha Aleluya! [Verse 1] Matulin na lumilipas Lumalapit na ang oras Lalo kaming nananabik Naghihintay sa pagbalik Pangarap na makita Ka Alam naming malapit na Ang aming pag-asa Sa paghahari Mo Ay makakasama [Chorus] Nagagalak, nagsasaya Kami ngayo'y sumasamba Buong pusong nagpupuri Sa Iyo aming Ama Dalangin namin ay dinggin Pasalamat ay tanggapin Walang hanggang iaalay Sa Iyo aming ginigiliw [Verse 2] Ang hula Mo'y nagaganap Ang bayan Mo'y natatatag Pangako Mo'y natutupad Kaalama'y lalaganap Ang aral ay mahahayag Bago sumapit ang wakas Tatawaging anak Silang sa Iyo ay mapagpasalamat [Chorus] Nagagalak, nagsasaya Kami ngayo'y sumasamba Buong pusong nagpupuri Sa Iyo aming Ama Dalangin namin ay dinggin Pasalamat ay tanggapin Walang hanggang iaalay Sa Iyo aming ginigiliw Aleluya! [Chorus] Nagagalak, nagsasaya Kami ngayo'y sumasamba Buong pusong nagpupuri Sa Iyo aming Ama Dalangin namin ay dinggin Pasalamat ay tanggapin Walang hanggang iaalay Sa Iyo aming ginigiliw [Outro] Walang hanggang iaalay Sa Iyo aming ginigiliw Amen!

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Daniel Razon